Wednesday, November 02, 2005

ispiritista

di ko akalaing mapipilit ako nina insan at kapatid na manood ng ispiritista ni vic sotto pero ayun at nanood na din ako. so ang isusulat ko ngayon eh tungkol dun sa film na yun.

okay una. nakakatawa ang movie. madaming scenes talaga na matatawa ka dun sa pinaggagawa nila pero nakokornihan ako dun sa mga jokes na wala sa pwesto. astig sina wally at jose. si vic ayos pa rin kaya lang halata na ang edad. at si bj forbes okay na din kahit pano (plus na kasi bata eh :D) next na reason kung bakit maganda ang movie eh dahil andun si iza calzado for some parts and of course andun si cindy kurleto. nevermind the crappy acting at yung di tamang pagsasalita ng ayos. okay na yun basta nasa screen sya. hehe. pero in the end sabi sa kin ni tiyahin eh mas okei daw to kesa dun sa isang movie naman ni vhong navarro na d' anothers ata. mas may istorya daw to kahit pano (na medyo gamit na gamit na. masasabi mo na lang sa sarili mo na "tingin ko eto mangyayari" at paglipas ng oras eh masasabi mo na "sabi na nga ba eh") pero kahit pano okay na to. at least hindi pa talaga down na down ang ating movie industry na magimprove pa sana (di tulad nung mga nakaraang taon na puro bold movies lang ang palabas, im not saying na hindi yun okay, pero you get the point naman). at ngayon nalaman ko na ulit na okay pa rin ang comedy genre ng movie industry. kaya lang dapat sa december na nila to pinalabas. pero tapos na eh. so yun lang. lol. ang haba ng nasulat ko ah. hehehe.