Saturday, January 14, 2006

salita sa teleserye

lol. nakapanood ako nung huwebes lang ng isang episode ng vietnam rose sa channel 2. hindi naman talaga ako nanonood nitong palabas na to kasi mukha talagang walang kwenta at corny(di na lang ginawang drama talaga, wala na yung paeffect nilang ewan) anyway, napansin ko lang.

eto yung naobserbahan ko dun sa dramang yun. nagsasalita sila ng diretsong vietnamese sa isang eksena (with pinoy subtitles) tapos biglang nagiging tagalog yung pananalita sa gitna nung mga sentences. lol. nung una natawa ko kasi kaiba eh. tapos naalala ko yung taglish o tagalog-english combination. naisip ko na ganun din siguro yung gusto nilang ipalabas dun sa show na yun. yung pagcocombine ng vietnamese na language sa tagalog. kaya napaisip ako. ano ang itatawag natin dun sa ganong combination? ang sagot eh VIETLOG o vietnamese at tagalog. dapat nila (mga tagavietnam rose) talagang bigyan to ng tawag kasi ito yung parang pangunahing paraan ng kanilang pakikipagusap sa isa't-isa. VIETLOG..... kombinasyon ng 2 wika....



pffft. corny. :P

Monday, January 09, 2006

ang pinakamatinding mura.

naalala ko lang kanina itong word na narinig ko dati. ito yung pinakamatinding mura na magagamit ng isang pilipinong nagsasalita ng tagalog. ano yun? tanong mo. hindi yun 'walangya ka' (mura pa ba yun), 'hayop ka' (wala lang to), 'siyeeeeht' (kasama ba to?), 'pak yu' (pangalan ng boxer ata to eh), 'gago' (magaan lang), 'punyeta' (ayun medyo malutong ng konti), 'tarantado' (naku pang-galit to).... e ano?

ay oo nga pala. hindi yun ang words na 'putang-ina mo' o 'tang-ina mo'. sus. madalas mo na yun marinig eh. may impact pa ba yun sa yo? syempre wala na. kaya para sa kin eh hindi yun ang pinakamalupit na mura.


eh ano?

ano pa kundi ang salitang.... 'putaranggago'. ayan dapat. solido. nakakagulat. nakakapanghiya ng tao. isipin mo. puta na tarantado pa at gago pa. langya. ayan ang matindi. wala na yang mga sina-unang salitang murang mga yan. mas astig to. 3-in-1. at kasunod din dyan eh yun murang 'punyetaranggago' malutong sa simula pero halatang dinerive lang dun sa pinakamatinding mura. so ano. matindi talaga no? so wag na nating gamitin ang mga 'PIs' at iba pa. kung galit ka talaga. eto ang sabihin mo.

okei ba?

*ang salitang ito ay galing sa sipa boys ng rizal national science high school nung sila'y 1st year (yata)

wwe. new champ!

gusto ko lang magcomment sa nangyari sa wwe sa new year's revolution. astig. edge won. hindi na si cena ang champ. yeah. sana maging heel si cena tulad ni the rock dati. maganda yun. sana hindi panandalian lang si edge. okay naman siya para sa kin. sana si angle maging face (face na rin naman siya nung rivalry nila ni cena kasi siya yung chini-cheer ng mga tao). sana wag muna si triple h sa wrestlemania championship.

note:
kawawa din si cena. ang hirap siguro nung mga last months sa kanya. binu-boo siya ng mga fans pero pinipilit ng management na siya ang maging bida. muntik na siyang malaos sa sobrang kasikatan. :P

Monday, January 02, 2006

papers... papers... papers....

papers. research papers. ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap ang pag-aaral. ang mga pagsasaliksik na kailangang gawin ng mga estudyante para sa mga bagay-bagay na makakatulong sa kanilang hinaharap. oo. tama. makakatulong nga ito. at kasama din sa paggawa nito (ayon sa mga prof) eh ang pag-iisip ng kritikal at ang pagbibigay ng sarili mong pananaw sa isang diskusyon.

pero...

required din sa ilan ang mga sources ng mga argumentong iyong isasaad sa nasabing papel. ang tanong: pano ka makakapagbigay ng sariling pananaw kung maghahanap ka ng isang source na maaaring makaimpluwensya sa iyong magiging pananaw sa naturang subject? ha?!?!


*pagpasensyahan nyo na ko. kulang lang yung source ko sa paper eh. XD

Belated

belated happy new year. asar kasing digitel yan. kung kelan naman gusto mo mag-online eh saka pa masisira yung walangyang connection na to. walang kwenta. para san pa ang binabayad namin kung parati namang sira ang internet connection na to. anyway, belated happy new year na lang den...

dun sa ibang nagcomment sa nasa baba, yung post ko eh patawa lang naman. wag nyo masyado seryosohin (pero pwede den). lol.