Wednesday, June 14, 2006

18 na ko!!

wOOt! i-congratulate nyo kong lahat. dahil kahapon eh nagturn 18 na ako! yahoong-yahoo!
bukas nga di ko pa alam kung magtu-twenty one ako eh. sabi sa kin nung ilan kong kakilala eh mahirap daw yun.
wait. kung di mo pa alam eh UNITS ngayong sem ang sinasabi ko at hindi edad ko (obvious naman eh). lol. ang saya talaga. mula sa 8 units nung friday na naging 13 units nung maawa sa min yung mga taong physics at kahapon nga na naawa sa min yung prof sa math eh naging 18 units na ko. WOOO!
ngayon, ang tanong eh kung kukuha pa ko ng isa pang subject bukas....... katamad eh. ahahaha. basta ang alam ko, hindi na ko sobrang underload dahil lagpas na ko ng kinse. yay!




wala lang. masaya lang. kapagod ngayong enrollment eh, bakit ba.

Monday, June 12, 2006

movies.

lol. post na naman. kakapanood ko lang kasi kahapon sa sinehan (nahatak ako nina kapatid at inay) kaya gagawa lang ako reaction tungkol sa mga napanood ko (wala lang ako mapost no?)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

movie1: X-Men The Last Stand

maayos naman na pelikula tong napanood namin na to. madaming action scenes at may sense din naman ang istorya. so una eh tungkol to sa developmet ng powers ni phoenix/jean grey. maganda naman ang buildup nung istorya may ilan nga lang problema sa pelikula. una, masyadong madaming mutants ang parang nilagay na lang ata ng pagganun sa istorya. madami ding nawawalang mga mutants (nightcrawler? gambit? jubilee?), may ilan pang !SPOILER! namatay (cyclops at prof x) !SPOILER! at yung iba nga ay parang naisingit na lang ng basta basta (angel? wtf? ano papel niya?). at pangalawa, yung 'epic battle' sa pagitan ng xmen at ng brotherhood ni magneto ay parang hindi ganun ka-epic. pero kung hindi naman yun papansinin eh okay naman na pelikula to.

pagkatapos nun eh maaga pa kaya nanood pa kami ng isa pa.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

movie2: MANAY PO

oo nahatak ako sa pelikulang to na ayoko naman panoorin kaya no choice pa rin ako. pero laking gulat ko nung matapos ang pelikula eh parang satisfied ako. eto ang dahilan kung bakit.

first, ang pelikulang ito ay obvious naman na RIP-OFF lang ng kakasikat lang na brokeback mountain sa states (alam nyo naman ang pinoy). binase dito ang istorya (hintay ka lang pupunta ako sa part na yan maya) ng pelikulang ito at iyon nga ay tungkol sa kabadingan. at hindi mo talaga maiisipang lumabas at wag tapusin ang pelikula (maya ko sagutin to)

okay sa story part........ WHAT THE F! sobrang babaw nung kwento na mas maganda pa yung mga weekly shows na napapanood natin sa network tvs. seryoso, kaya kong isummarize yung main plot nung movie:

babae - may asawang macho at may 3 anak na bading. nagbebenta ng alahas, nanakawan. kelangan bayaran yung utang, mga anak tumulong. yung panganay may karelasyon, nagbigay sa nanay. yung 2nd nagbigay din, yung huli wala lang. ganun lang. wtf?! gaguhan lang in summarization.

at bakit naman di ko naisipan na lumabas? simple lang. SAYANG NAMAN ANG BINAYAD NAMIN!

nasatisfy din ako dahil na din sa nameet nung movie yung expectations ko.basura. at dahil diyan, salamat sa writer nito at napaalala na naman sa kin kung gaano kagaling gumawa ng gantong klase ng pelikula sa local showbiz ngayon.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

pero kaibang experience pa din ang mapanood yun. linggo kasi kami nanood, DAY-OFF. putsa. yung nasa likod ko ang ingay. may sinabi lang ng konti yung isang character (na hindi na kakatawa) langya, daig pa kiniliti sa singit yung nasa likod sa kakatawa. WTF?! eto isa kong naalala ko na eksena:
bida babae: naku nanakawan tayo (seryoso tong part na to)
asawa lalake: pano na yung titulo (seryoso pa din)
MGA NASA LIKOD: AHIHIHIHEHEHEHAHAHAHAHAHA!.
ako: ??????
at dahil sa ingay nila, lumipat kami ng upuan (sa kabilang side) at hanggang dun dinig pa din yung tawa nung grupo ng mga babae (dayoff nga, sabi ni insan). kaya lang yung nalipatan namin, may 2 lalake (may mga edad na) sa row na nasa harap namin. hindi sila magkatabi talaga (may 1 seat sa pagitan) pero panay ang tingin sa isat-isa then sa screen ulit. !!!!

lol. whattaday nun.

Wednesday, June 07, 2006

06-06-06

lol. kakatapos lang kahapon ng araw na yan. ang araw daw ng 'halimaw' or beast or kung ano man.... langya ang daming nangyari. teka iisa-isahin ko. una, 7 UNITS LANG ANG NAKUHA KO SA 1ST SEM!!. pangalawa, hindi matino ang mga nakuha kong schedule!! tapos kanina ang aftermath, TRICOLLEGES LANG ANG PINAYAGANG MAGENLIST!! aaaaargh. ano kaya yun? epekto ba yun nung date na yun?.... lol.

pero sa totoo lang, diba ang 666 naman ay hindi number ng antichrist? diba kahit sa book of revelations walang mga katagang lumabas na ganun. ang alam ko ay number yun nung beast na hindi naman naspecify kung ano. at sabi pa sa pag-aaral (na napanood ko sa national geographic) eh coded name daw ang number na yun at ang ibig sabihin ng 666 ay ang pangalan ni emperor Nero (oo si nero, sa mga hindi nakakakilala sa kanya eh siya ang umimbento nung cd writer program na Nero burning Rom). sooooo kung ayun ang ibig sabihin nun, bakit ang daming naparanoid kahapon?

lol. ewan ko ba. basta. ahahahaha.