Thursday, December 29, 2005

kaaraw 'kahapon' ang gamit ko...

naisip ko lang. yung word na ginagamit nating mga pinoy. minsan pag inisip mo eh may mali. isa na dun eh yung salitang 'kahapon'.

kung titignan natin ng maayos eh mali ang paggamit ng salitang ito. kahapon = nakalipas na araw bago ngayon. ayan ang kahulugan nya diba? at kasama sa salitang ito ang salitang ugat na 'hapon'. kung ganun eh bakit sinasabi natin ang mga pangungusap tulad ng "nangyari yun KAHAPON ng HAPON." diba medyo naulit lang yung word? or pwede mo ring sabihin na "KAHAPON ng UMAGA" diba anlabo? hapon na umaga? isipin mo. pag sinabi mong 'kagabi' di mo naman sasabihin na "nangyari yun KAGABI ng GABI.' masyadong umuulit diba? eh kung iibahin natin ang kahulugan ng kahapon at gawin itong tama. iyon ay ang gawing kahulugan nito eh kahapon = hapon ng nakalipas na araw. edi mas angkop na itong gamitin sa mga pangungusap.

pero mawawala naman sa diksyunaryo ang salitang tumutukoy sa 'nakalipas na araw bago ngayon'. kaya ang angkop na gamitin na dito ngayon ay ang salitang 'KAARAW'. bakit kamo? kasi hindi isang partikular na oras lang ng isang buong araw ang tinutukoy ng kaaraw kundi ang buong araw na iyon mismo. magulo ba? tingin ko hindi. dapat na rin nating gamitin ang mga salitang 'KAUMAGA' at 'KATANGHALI' para tukuyin ang mga oras na ito ng nakaraang araw ng partikular. kung gagamitin natin ito ay mas lalawak ang ating paglalahad ng gusto nating iparating sa mga kausap natin.

mga examples:

kumain ako katanghali.
kaaraw eh nagpunta kami sa mall.
kahapon eh umulan ng malakas di tulad kaumaga at kagabi.

diba mas okei?

MMFF

christmas season ngayon kaya meron ring metro manil film festival. at tulad ng dati eh magaganda daw ang films na kasali dito ngayon.
isa na dun (at isa sa napanood ko na) eh ang exodus. world class daw at ka-level o dinaig pa daw ang cgi at visual presentation ng lotr movies.. kung nanood pala ko nito eh dapat noong december 25 na para kahit pala pano eh bawi din yung perang nagastos sa sinehan kasi may libreng ticket sa enchanted kingdom. sheesh. kalevel. ni hindi nga nun madadaig ang enteng kabisote kahit sa cgi effects at lalo na story. ang gulo ng scenes at parang pinagtagpi-tagpi lang na mga eksena ang buong film. at bahala na ang mga viewers na hulaan kung bakit ganito o ganyan ang nangyayari. kumbaga eh fill in the blanks ang buong movie. at ano meron kay sen. bong na wala nang ibang ginawa kundi ang magemote sa isang sulok (w/ background music na katutubo)? plus na kahit pano na nandun si iya at si aubrey. pero yung fight scenes nila walang-wala. ano ba yun. isang malit na bato lang pala katapat nung isa eh bakit kaya hindi pa pinangdagan yung malalaking bato na pinansalag lang ni iya? yung isa pa. kinalaban yung batang apoy sa tubig. SA TUBIG. AT NASUNOG YUNG KALABAN HA. at nasabi ko bang nasa tubig sila. weird. sabi nga nung mga viewers pag tapos manood eh wala palang kwenta. sayang lang. overhyped, overrated, at mukhang over din yung budget nila. lugi sila dun. sayang.

hwow.

ang tagal ko na palang di nakakapagpost dito. at patapos na ang bakasyon. nagpasko.. nagbirthday at magbabagong taon na... wala namang nangyari na dapat isalaysay. yun lang.

Sunday, December 04, 2005

After a month

Pagtapos ng isang buwan eh saka lang ulit ako nakapagpost. whew. konti lang to. bang dami kasing kaekekan sa arki eh. o sya eto lang. lol.