Thursday, December 29, 2005

kaaraw 'kahapon' ang gamit ko...

naisip ko lang. yung word na ginagamit nating mga pinoy. minsan pag inisip mo eh may mali. isa na dun eh yung salitang 'kahapon'.

kung titignan natin ng maayos eh mali ang paggamit ng salitang ito. kahapon = nakalipas na araw bago ngayon. ayan ang kahulugan nya diba? at kasama sa salitang ito ang salitang ugat na 'hapon'. kung ganun eh bakit sinasabi natin ang mga pangungusap tulad ng "nangyari yun KAHAPON ng HAPON." diba medyo naulit lang yung word? or pwede mo ring sabihin na "KAHAPON ng UMAGA" diba anlabo? hapon na umaga? isipin mo. pag sinabi mong 'kagabi' di mo naman sasabihin na "nangyari yun KAGABI ng GABI.' masyadong umuulit diba? eh kung iibahin natin ang kahulugan ng kahapon at gawin itong tama. iyon ay ang gawing kahulugan nito eh kahapon = hapon ng nakalipas na araw. edi mas angkop na itong gamitin sa mga pangungusap.

pero mawawala naman sa diksyunaryo ang salitang tumutukoy sa 'nakalipas na araw bago ngayon'. kaya ang angkop na gamitin na dito ngayon ay ang salitang 'KAARAW'. bakit kamo? kasi hindi isang partikular na oras lang ng isang buong araw ang tinutukoy ng kaaraw kundi ang buong araw na iyon mismo. magulo ba? tingin ko hindi. dapat na rin nating gamitin ang mga salitang 'KAUMAGA' at 'KATANGHALI' para tukuyin ang mga oras na ito ng nakaraang araw ng partikular. kung gagamitin natin ito ay mas lalawak ang ating paglalahad ng gusto nating iparating sa mga kausap natin.

mga examples:

kumain ako katanghali.
kaaraw eh nagpunta kami sa mall.
kahapon eh umulan ng malakas di tulad kaumaga at kagabi.

diba mas okei?

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ang talino mo na ah?!!
hanep, diko na lam kung cnong bobo... hahahahahaha
ipagpatuloy mo lang yan ah?!
at cgurado akong uunlad ang pilipinas!!!!

12:21 AM  
Anonymous Anonymous said...

langyang utak yan....
nag-bloom ka na yata e!
nyahaha...
yaan mo
makakarating yan sa mga dalubhasa sa ating wika
malay mo, maisabatas pa ni sen. lapid!
o diba?

3:36 PM  

Post a Comment

<< Home