Thursday, April 27, 2006

eeeew! ano yang ginagamit mo?

first, basahin mo muna tong nasa site na to (binigay lang ni Super Spy from GM forums tong link):

http://www.westislandchronicle.com/pages/article.php?noArticle=6063

tanong ko sa yo:
nadidiri ka ba sa paraan mo ng pagkain?

langya ang galing galing naman nung principal na yun. di lang nya sinabing bawal ang ibang kultura sa bansa nila, sinabi pa niyang kadiri ang pamamaraan natin ng pagkain. eh kamusta naman. di nya ba alam na ang kultura ng mga taga timog silangang asya eh ang kumain ng nakakamay o kaya naman ay may kutsara dahil sa umiikot ang pagkain natin sa kanin. langya wala sigurong alam yun sa kultura ng ibang bansa no (pero bakit principal sya?)

tapos para sabihing kailangan mong gumamit ng fork at knife lang para matawag na 'intelligent' ang pagkain ng isang tao, ahahaha, ano ulit yung tinawag nya sa paraan ng pagkain natin? 'yucky/disgusting/pig'? so ang hindi lang 'yucky/disgusting/pig' na paraan ay pag gumamit ka nung fork at knife? di ba siya nakagamit ng spoon sa tanang buhay niya? pano siya nagsu-soup? pa tinidor at kutsilyo? at isa pa eh pano pa yung mga nagcha-chopsticks at nakakamay lang sa pagkain? naku lagot siya kasi madami ding ganito ang paraan ng pagkain. at lastly, di naman siguro kumakain yung 7-taong bata with spoon and fork tapos naglalagay siya dun ng (siguro kulangot o kaya tae) then saka siya kakain kasabay ng iba diba? eeeeew :D lol.

bad trip lang tong istorya na to. putsa kultura ng pinoy yun eh. dito sa tin ayun ang tama. at kahit saan magpunta ang pilipino ay tama pa ring maituturing ang kulturang yun. ang mahirap pa dito eh bata pa yung napagtripan idiscriminate nung loko. langya kawawa naman yung batang pinoy na yun. kaya dapat maging open minded talaga lahat para walang nangyayaring ganitong panglalait sa kultura ng iba.

so, kadiri ba ang paraan natin ng pagkain?

lol. no na kaya nangyayari ngayon dun sa principal, tingin ko madaming narereceive yun ngayon na flames, hate mails, death threats atbp. :P

Wednesday, April 26, 2006

.......

una sa lahat, ang ganda ng title nitong post na to. halata naman na hindi talaga to post na para dito. para lang to magkaron ng buhay ulit ang blog na to. kasi last april 4 ko pa pala to naupdate :P lol. lol, lol ang gamit ko kesa dun sa tnm. lol.

langya kasing ide cable yan eh. sira pala. ba malay ko bang sa loob na pala ng pc yung sira at hindi pala sa programming. kaya eto rin at ngayon lang ulit ako nakakapagonline ulit at nakakapagpost. :P

isa pa nga pala kaya ayaw ko muna magpost kasi. putsang picture ng truck yun. nakakasira ng blog layout. kaya malamang na magflood muna ko then tignan ko kung babalik sa dati yung layout nito. kung hindi...... edi nde. sus. ahehehe.

Tuesday, April 04, 2006

ang gleng nila!

nakakaasar din naman tong mga naghuhukay na to sa may sa min ngayon. yung nawasa ata to eh. langya. tinamaan na naman ata yung sa linya ng digitel. langya. eto namang walang kwentang digitel eh ang bagal mag-ayos. 2-3 days ata kami wala phone at connection sa net. langya. sana sundin naman nila mga banner nila.

sa digitel - 'basta serbisyo ang usapan, sa digitel laging maaasahan.' - yeah right, last month 3 weeks kami walang connection, sana paki-iba na lang yan.

sa mwss - 'we dont just build lives, we improve lives.' - oo sa pamamagitan ng paggawa ng traffic dahil sa mga hinuhukay nyo every 5 months ata.


langya bad trip lang. hapit tuloy sa project ngayon.