Thursday, April 27, 2006

eeeew! ano yang ginagamit mo?

first, basahin mo muna tong nasa site na to (binigay lang ni Super Spy from GM forums tong link):

http://www.westislandchronicle.com/pages/article.php?noArticle=6063

tanong ko sa yo:
nadidiri ka ba sa paraan mo ng pagkain?

langya ang galing galing naman nung principal na yun. di lang nya sinabing bawal ang ibang kultura sa bansa nila, sinabi pa niyang kadiri ang pamamaraan natin ng pagkain. eh kamusta naman. di nya ba alam na ang kultura ng mga taga timog silangang asya eh ang kumain ng nakakamay o kaya naman ay may kutsara dahil sa umiikot ang pagkain natin sa kanin. langya wala sigurong alam yun sa kultura ng ibang bansa no (pero bakit principal sya?)

tapos para sabihing kailangan mong gumamit ng fork at knife lang para matawag na 'intelligent' ang pagkain ng isang tao, ahahaha, ano ulit yung tinawag nya sa paraan ng pagkain natin? 'yucky/disgusting/pig'? so ang hindi lang 'yucky/disgusting/pig' na paraan ay pag gumamit ka nung fork at knife? di ba siya nakagamit ng spoon sa tanang buhay niya? pano siya nagsu-soup? pa tinidor at kutsilyo? at isa pa eh pano pa yung mga nagcha-chopsticks at nakakamay lang sa pagkain? naku lagot siya kasi madami ding ganito ang paraan ng pagkain. at lastly, di naman siguro kumakain yung 7-taong bata with spoon and fork tapos naglalagay siya dun ng (siguro kulangot o kaya tae) then saka siya kakain kasabay ng iba diba? eeeeew :D lol.

bad trip lang tong istorya na to. putsa kultura ng pinoy yun eh. dito sa tin ayun ang tama. at kahit saan magpunta ang pilipino ay tama pa ring maituturing ang kulturang yun. ang mahirap pa dito eh bata pa yung napagtripan idiscriminate nung loko. langya kawawa naman yung batang pinoy na yun. kaya dapat maging open minded talaga lahat para walang nangyayaring ganitong panglalait sa kultura ng iba.

so, kadiri ba ang paraan natin ng pagkain?

lol. no na kaya nangyayari ngayon dun sa principal, tingin ko madaming narereceive yun ngayon na flames, hate mails, death threats atbp. :P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home