Sunday, February 05, 2006

isang tunay na pangyayari.

Monologue ng isang mini 4-wheel drive

alam mo ba yung mga laruan ng mga bata na kotse-kotsehan? yung mga may remote control pero may tali naman? yung mga iniaatras mo muna saka mo bibitawan para umandar mag-isa? at yung may remote control na walang tali pero super dami naman ng baterya? Eh ako, alam mo ba ako? Siyempre hindi pa kasi di ko pa napapakilala sarili ko.

Una muna, bago ko magsimula, eh sasabihin ko sa inyo na mas high tech ako dun sa mga low-class na laruan na sinabi ko kanina. Kaya ko yan nasabi kasi tiyak na hindi nila narrating ang level ng kasikatan namin. Nanggaling kasi ako sa tamiya at ako ay isang uri ng mini4 wheel drive. Sa pagkakaalam ko ay minodel kami sa isang Japanese animation series, nakalimutan ko nga lang ang title (let’s go ba o jet and joey?). at hindi naman sa pagmamayabang pero ako ay ginamit ng bida sa palabas na yun. Ako kasi ay isang cyclone magnum. At noong rurok ng kasikatan ay kaming mga magnum ang pinaka-angat(siyempre galing ako dun!) tama na nga ang pakilala, eto na ang nangyari sa kin noong araw na bilhin ako ni don.

Tanghali ata nun, ayun ako nakatambay sa loob ng kahon ko at naghihintay na may bumili sa kin. Nagulat ako ng bigla akong kuhanin ng tagabenta, may bibili na sa kin! Sa wakas! Ayun binili nga ako ni don. Yeah! Ayos! At bumili pa siya ng makina para sa kin… bumili din ng rechargeable batteries! Tama! Ayan nga dapat. Ipapakita ko sa yo boss kung gano kasulit ang pera mo sa kin. Sa wakas at nakalabas din ako. Iniuwi ako ni don sa kanila at binuo nya kagad-agad ako (excited siya!). kinabit nya yung makina at naramdaman kong isang jet dash motor yung nilagay nya (isa sa best motors noon). Ayun at dinala nya ko palabas ng kalsada. Pinagmayabang sa mga barkada at pinagpasapasahan. Hanggang sa isa sa kanila ang nagsabing itesting ako(teka walang track!) napilit si boss ng mga berks nya. Sige bahala na… GAME ! ini-on nila yung switch ko… tumakbo yung makina… dahan-dahan nilapag ako sa gutter ng kalsada… at saka ako binitawan!! Ang bilis ko!! Grabe!! Para kong lumilipad sa hangin!!! Ang sarap ng feeling!! Lipad!! Yeah! Ang sa- YAAAH!! Nagulat na lang ako ng bulagain ako ng isang malaking gate sa harapan ko. Blag! Black-out…

pag gising ko nakita ko na lang si don, galit sa barkada, yung mga kaibigan nya nagulat ata at nagsosorry, at dalawa kong gulong at isang headlight sa may di kalayuan. Tumama ako sa gate. Sa main gate ng isang bahay. Kita ko pa yung galos ko dun. Ang taas pala nung nilipad ko……

pagkatapos ng ilang araw ay nagawa naman ulit ako (kaya lang multicolor yung gulong at tinanggal na rin yung isa kong headlight, para symmetrical) tapos nun ay di na ako masyadong ginamit ni don (baka natakot na madagdagan ang sira ko) ngayon eto ako, nakatabi kasama ang ilan pang laruang nasubok na rin ng iba’t-ibang problema sa kanilang mga buhay(kung ayun ang matatawag dun) naghihintay pa rin kung kailan ako ulit magagamit… naghihintay… naghihintay… asar ang corny ng ending ko. wala akong maisip na matino eh. lol.


-assignment ko sa art stud. naisip ko lang na ipost dito. lol.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

naghihintay.. naghihintay...
ewwww... ang pangit ng dulo..
aus.... nung una kla q ikaw..
ung laruan mo pla...
upsilonian tlga!
tama ba?
hehehe..
kotse.... yuck...
ayy mali.. kotsekotsehan.. yuck..
kotse pla maganda... aus... corny! hehehehe jowk...

8:40 PM  

Post a Comment

<< Home