Wednesday, February 01, 2006

ang delikadong mga comshop...

nasa comshop ako ngayon. (langyang kasing digitel yan eh. eto kayo ,,l,, !!!) napansin ko lang sa mga comshop na malapit sa min eh mga wala silang kwenta. langya ni hindi makapagprint at makapagsave sa diskette. pero di yun yun topic ko kaya ko nagpost. hapit lang to para kahit pano eh may malagay naman sa blog ko. (again thanks to digitel sa kanilang napakagandang serbisyo) ilang linggo din kasi akong di nakapaginternet (at salamat ulit sa digitel) at hindi nakagawa ng assignments (alam mo na yung sasabihin ko ulit...)

delikado pala talaga ang mga comshops no? hindi dahil dun sa mga nag-aaway dahil natalo sa ragnarok o sa kung ano pa mang kababawan. eto kasi ngayon ko lang naexperience pero matagal nang nagaganap ang penomenong ito. ngayon ko lang nakita. delikado pala talagang makaiwan ng account mo na nakalog-in sa isang site na member ka (example: tulad ngayong nagtatype ako, friendster) dapat kasi parating tatandaan ng mga taong naagrerent ng pc na ilog-out ang kanilang mga account pag tapos na sila. kawawa tuloy yung iba na napagtitripan at iniiba ang mga informations at kung ano pa sa kanilang mga account. nagago ka na nga, eh hindi mo pa makikilala yung gumago sa yo. kaya ko lang naman to nashare kasi ngayon nga dito sa pc na nirent ko may nakaiwan na nakalog-in na account sa friendster....... teka.....

ahehehe....
.
..
...
.....
......
lalog-out muna ko dito sa blogspot. para sure.


sa mga gustong makita yung binago ko. a-ward name nya sa friendster at cartoon character pic nya. di ko iniba password at email add. kaawa na eh. kaya malamang eh mabago nya din to within a week o kung kelan man sya maglog-in ulit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home